Mga dahilan kung bakit nag babago ang isang lalake sa isang relasyon?
Sa panahon natin ngayon, marami sa ating mga kalalakihan ang bigla nalang nag babago ng ugali sa isang relasyon. Ano nga ba ang mga maaring at posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari. dahil ba ito ng mga paulit-ulit na pang yayare sa isang relasyon o ito ba ang paraan nila ng pag sasabi nilang AYAW na.Sa blog kong ito isasaad ko rito ang mga posbileng dahilan ng pag babago ng isang lalake sa isang relasyon. maaring marami sa mga kababaihan ang gustong malaman kung bakit nga ba? at ano ba ang mga paraan kung pano ito maiwasan
1. Pag Babawal sa bagay na naka sanayan ng mga lalaking gawin
- Isa lamang ito sa mga dahilan ng pagbabago ng isang lalaki. Ang babawal sa mga bagay na nakasanayan o nakahiligan gawin ng lalaki. Marami sa mga kalalakihan ang napapagbawalan ng nobya na gawin ang mga bagay na gusto nila, tulad nalamang ng Pakikipag bonding sa kaibigan oh kabarkada, eto ang may pinaka malaking factor na pwedeng mag pabago sa isang lalake, unang una dahil mararamdaman nila o maiisip na pwedeng kalimutan nalang din siya ng kanyang mga kaibigan oh mas higit pa ang kalimutan na mawala ang kanilang pag kakaibigan. kaya payo ko sa ibang mga kababaihan, maging sensitive sa nobyo ninyo kung ayaw nyo silang mag bago. halip suportahan naten ang isat-isa sa mga bagay na gusto na tin gawin.
2.Ang madalas na pang aaway
- Ito ay ang kadalasan nang yayare sa isang relasyon ang pag aaway, ngunit me mga panahong nagiging mundo na ng isang relasyon ang pag aaway. nagiging factor dn ito sa isang lalaki ng pagbabago. ndi dahil sa paulit ulit na pag aaway. dahilan nito ay ang Paulit-ulit na pag hingi ng TAWAD o PASENSYA sa karelasyon. sa totoo lang hindi ganun kadaling humingi ng tawad manuyo at iba pa. kaya minsan napapagod nalang rin at nag babago sila ng kusa dahil sa mga bagay na paulit ulit nang yayari.
3.Pag baliwala sa mga maliliit na bagay
- Ito ang isa sa mahalagang hindi naten minsan nabibigyan ng pansin. alam naten na me mga lalaking ma effort, minsan sa paulit ulit na pangyayare ang mga maliliit na bagay na ito ay ndi na natin nabibigyan ng pansin. ano nga ba ang mga maliliit na bagay na ito:
Ang pag hatid sundo saatin, ang simpleng pag sama sa mga lakad natin at ang pag papaubaya sa mga bagay, katulad ng pag bibigay ng saya or minsan dahil favorite mo ang balat ng manok ay ibibigay nalang nya sau ito makita kalang masaya. lahat ng bagay na maliliit para mapasaya kalang ay gagawin nya. bakit ito nagiging sanhi. dahil ito sa ndi natin pag pansin sa mga bagay na iyon at nagiging routine nalang, isa rin ito sa mga indikasyon na mahalaga ka sakanya. maging thankful sana tayo sa mga bagay na kaya nilang ibigay saatin at mag pasalamat dahil mayrong taong gumagawa nito para saatin.
At hanggang dito nalang muna ang blog na ito, sanay may mga bagay tayong napulot. Ibigay sana naten ang isang-daang pursyento nating love sa isat isa para maging matibay ang isang at lumalim pa ang pag sasamahan. supportahan at wag nating pagbawalan.
-Vish Newbie
Maraming salamat
No comments:
Post a Comment